Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang dalawa pang baybaying dagat sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Dahil dito mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR at local government units (LGUs) ang paghango, pagbenta at pagkain ng shellfish mula sa coastal waters ng Irong-Irong at San Pedro Bays sa Samar.
Base sa laboratory results ng BFAR sa mga shellfish mula sa nabanggit na coastal waters, nakitaan ito ng mataas na antas ng lason o paralytic shellfish poison.
Samantala, sinabi ni BFAR OIC Atty. Demosthenes Escoto, nanatili pa ring kontaminado ng toxic red tide ang mga coastal water ng Roxas City, Sapian Bay, Panay, Pilar at President Roxas sa Capiz, coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, Milagros sa Masbate at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ligtas namang kainin ang mga lamang dagat mula sa Coastal water ng Cavite, Las Pinas, Paranaque, Navotas, Bulacan at Bataan. (Dolly Cabreza)
The post Shellfish sa Samar sapol ng red tide first appeared on Abante Tonite.
0 Comments