Pag-atake ng sindikato kontra OFW, empleyado itinimbre sa NBI

Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI), ang isang consumer organization para maprotektahan ang mga Overseas Filipino Workers at mga lokal na empleyado laban sa international Bank Fraud syndicate.

Ayon sa Action for Consumerism and Transparency in Nation Building (ACTNB), target umano ng sindikato na ito ang mga bank accounts ng OFWs at mga lokal na empleyado.

Naalarma umano ang ACTNB lalo na ngayong tatanggap ng kanilang bonus ang mga empleyado at magpapadala ng mas malaking remmitance money.

Nag-aalala umano ang ACTNB na mahulog sa kamay ng mga sindikato ang pinaghirapang pera ng mga OFWs at empleyado.

Naniniwala ang ACTNB na ang buwan ng Disyembre ang pinakamainam na oportunidad para sa malawakang scams dahil sa 2023 ay mahihirapan na itong isagawa dahil sa ipatutupad na SIM Card Registration Act.

“It is a now or never situation for them and this is why we see the recent rise in unabated SMS scams, which we feel will lead to getting people OTPs and consequently access to the victims’ bank accounts,” ayon dito.

“We humbly request for the NBI to start going after these criminals. We hope that leading

to the holidays, authorities arrest as many as they can to not only weaken their network, but also to send the message that the government is serious in its crackdown against online financial scammers,” dagdag pa ng ACTNB.

Umaasa sila na sa gagawing aksyon ng NBI ay hindi na muling mauulit ang nangyari noong nakalipas na taon kung saan maraming nabiktima ang masasamang elemento. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Pag-atake ng sindikato kontra OFW, empleyado itinimbre sa NBI first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments