328 Bilibid preso laya na

Lumaya na ang 328 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) matapos payagan ng Department of Justice (DOJ).

Ang pagpapalaya sa PDLs nitong Lunes ay ginawa sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya.

Nabatid na sa 328 PDLs, kalahati ang nakakumpleto ng kanilang maximum sentence na may Persons Good Conduct Time Allowance, ang iba ay binigyan ng parole at 8 ang naabsuwelto.

Una nang sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang, Jr., na target nila na makapagpalaya ng mahigit sa 700 PDLs bago mag-Pasko o Bagong Taon.

Layunin nito na mapaluwag ang mga kulungan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 328 Bilibid preso laya na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments