BB Gandanghari at Robin Padilla, bati na

Ni Rommel Gonzales

Senyales na magkabati na ang magkapatid na BB Gandanghari at Senator Robin Padilla nang sabay silang dumalo sa isang beauty pageant.

Si BB mismo ang nag-upload sa kanyang Instagram account ng video nila ni Robin kung saan makikitang sabay na dumating ang magkapatid sa grand coronation ng Mutya ng Pilipinas 2022 sa San Juan City, noong Linggo, December 4, 2022.

Magkasama sina BB at Robin sa isang puting Land Cruiser at pareho ring nakaputing kasuotan ang magkapatid.

May caption ang video sa IG post ni BB na, “#SiblingLove: “A sister is both your mirror — and your opposite.”- Elizabeth Fishel 💋💪💞💯I’ve always been proud of you, carry on Senator @robinhoodpadilla ‼#BBGandanghari #FamilyTies #Mista”

Nagkaroon ng tampuhan ang magkapatid noong 2020 dahil sa masasakit na pahayag ni BB laban kay Robin at iba pa niyang kapamilya sa pamamagitan ng vlog nito noong 2020.

Makalipas ang pitong taon ay ngayon lamang muling umuwi sa Pilipinas si BB.

The post BB Gandanghari at Robin Padilla, bati na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments