Family Feud nagbigay-pugay kay Jovit Baldivino

Nagulat ang regular viewers ng Family Feud nang nabalitaan nila na namatay na si Jovit Baldivino!

Nito lang kasing November 28 ay masigla pang naglaro si Jovit sa top-rating game show ni Dingdong Dantes.

At tulad nga ng alam na ng lahat, kahapon, Biyernes ng madaling araw ay pumanaw ang mahusay na singer sa ICU ng isang ospital sa Batangas.

At dahil ang Family Feud ang isa sa mga TV programs na huling naging guest ang namayapang singer, naglabas ng tribute video ang Family Feud kung saan mapapanood ang mga highlights ng masasayang sandali ng paglalaro ni Jovit.

Nagsilbi ring tribute ang naturang video bilang pagbibigay-pugay sa naging ambag ni Jovit sa music and entertainment industry. (Rommel Gonzales)

The post Family Feud nagbigay-pugay kay Jovit Baldivino first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments