Video ni Juancho Trivino bilang si Padre Salvi sa isang fastfood chain, viral!

Aliw factor ang hatid ng trending ngayon na video ni Juancho TriviƱo!

Sa naturang video kasi ay naka-costume si Juancho bilang si Padre Salvi, ang sikat na karakter na ginagampanan niya sa hit GMA series na Maria Clara At Ibarra.

Makikitang nakasakay sa tricycle si Juancho at nag-drive thru sa isang kilalang fastfood chain para um-order ng pagkain.

Makikita rin na puro barya o coins ang ibinayad niya sa in-order niyang manok.

Aliw na aliw rin ang mga crew na naturang fastfood nang makita na kostumer nila si “Padre Salvi”. (Rommel Gonzales)

The post Video ni Juancho Trivino bilang si Padre Salvi sa isang fastfood chain, viral! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments