Mga pulis gigisahin sa niratrat na 3 bagets

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakapatay sa tatlong menor de edad na umano’y nakipagbarilan sa mga pulis sa Sultan Kudarat nitong nakaraang Linggo, ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Azurin na magsasagawa ng “motu propio” o sariling imbestigasyon ang Internal Affairs Service (IAS) hinggil sa pangyayari.

“Motu propio naman yun. In those cases, papasok ang IAS to conduct investigation if there were lapses on the part of the PNP and definitely ‘yung mga kasamahan natin na PNP na kasama doon they will be investigated,” paliwanag ni Azurin

Ang pahayag ni Azurin ay matapos ang panawagan ng pamilya ng tatlong menor de edad na napatay na imbestigahan ang pangyayari.

Base kasi sa police report na ipinadala ng Police Regional Office (PRO) 12, ang tatlong suspek na lulan ng motorsiklo ay hindi huminto sa police checkpoint sa Barangay Didtaras sa bayan ng Lambayog nitong Disyembre 1 ng madaling araw.

Naghabulan at nakipagbarilan umano ang mga suspek, na itinatanggi ng mga kaanak ng huli na sila’y armado. (Edwin Balasa)

The post Mga pulis gigisahin sa niratrat na 3 bagets first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments