Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa international police community sa kampanya upang madakip ang mga banyagang pugante na nagtatago sa bansa.
“The Interpol, more than ever, has been forward-looking at prospects of better cooperation among countries, and the PNP is proud of our role in this international alliance against crime, to which we have assisted foreign counterparts in tracking down wanted fugitives and providing active technical support to international efforts,” pahayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa press briefing kahapon sa Camp Crame.
Si Azurin ang nanguna sa delegasyon ng bansa sa kakatapos na 17th Annual Conference of Heads of National Central Bureaus of the International Criminal Police Organization (ICPO-Interpol) na ginanap sa Lyon, France nitong nakaraang Linggo.
Ayon pa kay Azurin, sa kanyang pagbisita sa France, nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Junever Mahilum-West Ambassador ng France, hinggil sa ilang concern ng mga local Filipino community na mayroong mga domestic issues sa bansa. (Edwin Balasa)
The post PNP, Interpol kapit-bisig vs banyagang pugante first appeared on Abante Tonite.
0 Comments