Iminungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ipasuri sa psychiatrist sa Mandaluyong ang mga nakaupong opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagtatakda aniya ng performance target sa mga mahuhuling lumalabag sa batas trapiko.
Batay sa target, tinatayang makakakolekta umano ang ahensya ng P230 milyon mula sa mga pasaway na motorista.
Sa kanyang lingguhang programa sa telebisyon, kinuwestiyon ni Enrile ang pagtatakda ng performance target ng ahensiya laban sa mga traffic violator.
Sa halip aniya na tutukan kung paano mapababa ang bilang ng mga pasaway na motorista ay ang pagtutok sa target collection ang nasa isip ng mga opisyal ng ahensya.
“Bakit kailangan ng target? Kung may violator hulihin. Bakit tutukan ang target collection? `Di huli ka ng huli maski walang violation. Kalokohan `yan eh. Very bright `yung MMDA ngayon,” sabi ni Enrile.
Binigyang-diin pa ng abogado ng Malaca?ang na hindi isang revenue agency ang MMDA kaya hindi dapat target collection ang inaatupag kundi kung paano mapababa ang bilang ng mga traffic violator sa Metro Manila.
“Dapat `yung nakaupo sa MMDA ipaeksamin natin agad `yung utak sa psychiatrist ng Mandaluyong. Dapat ang target niya is a lower number of violators, not higher number because it’s not a revenue collecting agency,” dagdag pa ni Enrile. (Aileen Taliping)
The post MMDA binira ni Enrile sa utak perang diskarte first appeared on Abante Tonite.
0 Comments