Ex-BuCor exec Zulueta pumiyok sa Percy Lapid murder

Nagsalita na rin ang dating Bureau of Corrections (BuCor) deputy director na si Ricardo Zulueta kaugnay sa kinakaharap na kasong may kinalaman sa pagpaslang sa brodkaster na si Percival `Percy Lapid’ Mabasa at sa isang preso ng New Bilibid Prison.

Sa panayam ng ABS-CBN News, mariing itinanggi ni Zulueta ang pagkakasangkot niya sa pagpatay kay Mabasa at sa diumano’y middleman sa NBP na si Jun Villamor.

“Napagbintangan lang po kami d`yan. Wala pong katotohanan `yung complaint na finile nila,” sabi ni Zulueta.

Kasama si Zulueta ng suspendidong BuCor chief Gerald Bantag at ilan pang preso sa mga kinasuhan ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police sa pagpatay kay Mabasa at Villamor.

Samantala, inamin din ni Zulueta na pinulong nga niya ang ilan preso pero binigyang-diin nito na iba ang kanilang pinag-usapan.

May kinalaman aniya sa hinihiling na construction materials ng mga preso ang pinag-usapan nila na gagamitin para ipagawa sa tindahan ng iba nilang kasamahan sa NBP.

The post Ex-BuCor exec Zulueta pumiyok sa Percy Lapid murder first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments