Pope Francis nakahanda resignation letter `pag nagkasakit

May nakahandang resignation letter si Pope Francis sakaling hindi na niya kayang ipagpatuloy pa ang kanyang panunungkulan sa Vatican kapag iginupo ng karamdaman dahil sa mahinang kalusugan.

Ibinunyag ito ni Pope Francis sa isang panayam sa kanya nitong Linggo kung saan inilahad niyang inihanda ang resignation letter may 10 taon o isang dekada na ang nakalipas at kanya itong ibinigay sa secretary of state ng Vatican na si Cardinal Tarcisio Bertone.

Nabatid na nagretiro na si Bertone noon pang 2013.

“I signed the resignation and I told him, `In case of medical impediment or whatever, here’s my resignation. You have it,” wika ni Pope Francis sa panayam.

Hindi na umano niya alam ngayon kung ano ang ginawa ni Bertone sa kanyang resignation letter.

Ito ang unang pagkakataon na ibinunyag ni Pope Francis na may inihanda siyang resignation letter.

Nasa 86-anyos na si Pope Francis at maayos naman ang kanyang kalusugan maliban sa idinadaing na karamdaman sa kanyang tuhod na dahilan kung bakit nahihirapan siya minsan maglakad.

The post Pope Francis nakahanda resignation letter `pag nagkasakit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments