21 sa Daulah Islamiyah, Abu Sayyaf sumuko

Sumurender ang dalawampu’t isang miyembro ng Daulah Islamiyah (DI) at Abu Sayyaf Group (ASG) sa militar sa Patikul, Sulu, nitong Linggo ng umaga.

Nitong Enero 8, kasama sa mga sumuko ang pinuno ng DI-ASG na si Majid Said alyas “Amah Pattit,” at sub-leader ng ASG na si Jamiri Jauhari alyas “Jamiri.”

Kusang loob na ibinigay ang gamit nilang high-powered firearms kay Brig. Gen. Benjamin Batara Jr., commander ng 1103rd Infantry Brigade.

Iniharap sila kina Major Gen. Ignatius Patrimonio, commander ng Joint Task Force Sulu, at Patikul Mayor Kabir Hayudini sa 104th Infantry Battalion headquarters sa Barangay Bonbon.

Ang JTF Sulu at ang lokal na pamahalaan ng Patikul ay nagbigay ng paunang pagkain at tulong pinansyal sa mga dating violent extremists na ngayon ay nasa pansamantalang relocation site.

“We are hopeful that the Abu Sayyaf Group in Sulu will soon be defeated and peace and order in the province of Sulu will be fully restored,” pahayag ni Brig. Gen. Arturo Rojas, acting commander ng Western Mindanao Command. (Dolly Cabreza)

The post 21 sa Daulah Islamiyah, Abu Sayyaf sumuko first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments