Aila bagong pantasya ng bayan

Masarap katsikahan si Aila Cruz na ilulunsad sa ‘Fantasya ng Bayan’ ng Vivamax. May karakter siya na kaaaliwan at maharot ‘pag nagsalita. Kumbaga, parang babaing bakla.

May mga nagsasabi na may kaya naman sa buhay si Aila pero bakit kailangang magpa-sexy?

Hirit niya meron siyang katawan na proud niyang ipasilip. Talagang gusto niyang mag-artista.

Palaban siya.Kahit todo hubad, 101% ready raw siya.

Dream din niyang maka-partner ang Vivamax King na si Sean de Guzman.

“Of course,ang galing niya kaya? Pinapanood ko ang mga pelikula niya sa Vivamax. Sana soon makasama ko siya,” sambit niya.

Excited na ba siyang ‘matikman ‘ si Sean?

“Oh my God! Ha!ha!ha! Kung sa work, yes excited,” natatawa niyang sagot.

Ano ang meron siya sa ibang Vivamax star para tangkilikin?
“Siguro, kung ano ako, eto ako. Kung ano ang nakikita n’yo, ito talaga ako. At kayang-kaya kong gawin kung ano ang ipagawa sa akin. Basta ikagaganda ng pelikula,” deklara niya.

Sariwang-sariwa si Aila na bagong magpapaliyab sa mga barako. Alaga siya ng kontrobersyal talent manager na si Lito de Guzman. Kasama rin siya sa pelikulang “Working Boys”. (Roldan Castro)

The post Aila bagong pantasya ng bayan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments