Kristaps Porzingis napilayan, Washington Wizards OK pa rin

PINANTAYAN ni Rui Hachimura ang kanyang career high 30 points, inayudahan ni Kyle Kuzma ng 25, at tinakbuhan ng Washington ang ini-host na Orlando 138-118 sa 77th National Basketball Association 2022-23 regular season game Sabado ng gabi sa Capital One Arena sa Districk Columbia.

Nag-ambag ng tig-17 pts. sina Bradley Beal at Kristaps Porzingis, pero nawala sa third quarter si Porzingis nang abutin ng left ankle sprain.

Namigay pa ng 8 assists si Beal sa pangalawang laro mula hamstring injury.

Hindi naghabol ang Wizards (20-26), tinapos ng dakdak ni Daniel Gafford ang 10-0 run tungo sa 37-23 edge bago natapos ang first quarter.

Sa second, ginanahan si Hachimura at umiskor ng 10 sunod sa loob ng 2 1/2 minutes kabilang ang pares ng quick 3s para ilayo 52-32.

Hindi na nakaporma ang Magic (17-29).

Bigong itawid ng 23 points ni Markelle Fultz at 20 ni Franz Wagner ang Orlando. Nag-ambag ng 15 markers si Paolo Banchero. (Vladi Eduarte)

The post Kristaps Porzingis napilayan, Washington Wizards OK pa rin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments