Ang puso at menopause

Ang dinadatnan kada buwan ng isang babae ay napakaregular na hindi na kung minsan naiisip ang mga ibang kaakibat nito, hanggang sa tumigil ng tuluyan. Ito ang menopause. Hindi naman ito agad agaran nangyayari.

Mga 5 hanggang 7 bago pa tuluyang tumigil ang regla at may mga mararamdaman na. Ang madalas ay may kaunting pagiba lamang, tulad ng dami nang araw, mula isang linggo ay mga 3 araw na lang dinadatnan. O di kaya ay kung dati ay nakakatatlong napkin, ngayon ay isa na lang. kung minsan malakas datnan ng ilang araw, ngayon ay 3 na lang pero isang araw lang ang malakas tapos parang patak patak o spotting na lang ang mga susunod. Pwede din na isang buwan meron tapos hindi nagkakaroon ng mga isa o dalawang buwan at medyo pumapalya na. Meron naman, kung dati ay ilang napkin, biglang kailangan na nga halos diaper sa dami ng regla. Malaki din ang kinalaman ng genetics at mga magulang at kamag anak dito. Kung maaga sila nagmenopause, maaaring maaga din mangyari sa edad na 45, 46, 47. Kung medyo late naman ito, mas posibleng late din sa edad na 52, 53, 54.

Ang isa pang sintomas ng menopause ay ang paginit o pagkakaroon ng hot flashes. Giniginaw lahat ng nasa paligid, pero init na init. Pwede ring grabe pagpawisan sa hindi naman masyadong aktibong kilos at galaw. Mayroong mild, mayroon ding napakalala na may halo pang mga ibang sintomas kasama na ang pananakit ng katawan at kasukasuan, pati na ang ulo. Nagiging moody pa, naroon nadedepress, o di kaya mainit ang ulo at palaaway. Parang nagdadalangtao muli. Mararamdaman din ang pagtuyo sa ibaba kaya masakit kung minsan makipagtalik. Ang isa pang kalagayan na mas mahalaga ay may kinalaman sa puso.

Dahil sa estrogen na syang pangunahing hormone sa mga babae, na may malaking kinalaman sa magandang absorption ng calcium sa katawan ay nawawala kapag nag menopause, ay malaki din ang kinalaman sa lahat ng ito pati ang pagtibok ng puso at daloy ng dugo. Ang probabilidad tumaas ang blood pressure kumpara sa mga lalake ay 2:4 o 5. Ngunit kung mag menopause, ito ay pareho sa 1:1 na ganoon din at pareho sa pagpalya ng puso o cardiac events. Pumapantay na sa mga lalaki ang bilang sa oras tumigil na datnan. Kaya naman talagang bantayan natin ito.

Madalas ay dahil sa iba’t ibang sintomas ang magiging dahilan kumunsulta ngunit malalaman na lahat pala ng nararamdaman ay dahil nag uumpisa na magmenopause. Kaya irinirifer sa isang obstetrician-gynecologist. Ngunit kung mayroon talagang nararamdaman, mapa ob-gyn o ibang doktor, magpatingin para hindi magkaroon ng napakadaming kumplikasyon dahil nagmemenopause na.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan

The post Ang puso at menopause first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments