Bigbang Taeyang, BTS Jimin nangabog ang collab

Simula nang i-release ni Teayang ng BIGBANG ang bago niyang single kunsaan, featured dito si BTS Jimin, dinodomina na ng kantang “VIBE” ang iTunes charts across themar globe.

Noong January 13 at 2pm KST time lamang ito ini-release, pero hindi lamang sa Korea ito nagta-top sa mga music charts, nag-top 1 agad sa iTunes charts sa iba’t-ibang bansa.

According to THEBLACKLABEL, umaga ng January 14 KST, ang “VIBE” ay na-hit na ang No. 1 sa iTunes Top Songs charts in at least 60 different regions around the world at patuloy pang tumataas ang numbers.

Naglabas naman ng kanyang mensahe sa mga fan si Jimin upon the release of the song. Ayon dito, ngayon daw, mas makakatulog na siya. Hindi maitago ni Jimin ang excitement na nakagawa na siya ng collaboration sa itinuturing na isa sa mga idolo niya.

Sa mga hindi nakakaalam, kung ang BTS ang kinikilala ngayon bilang pinakasikat na K-pop group, ang BIGBANG ang isa sa pioneer at nagbukas ng pintuan para sa mga K-pop boy groups ngayon.

Sa letter ni Jimin, sinabi niya na, “ARMY Thank you for waiting until the song came out.”

“Lately, I haven’t been able to sleep but I fell asleep as soon as the song came out.

“Because I happily released a song with Youngbae hyung, I was really happy

and I will soon come to find all of you through a live

“Thank you and I love you.”

The post Bigbang Taeyang, BTS Jimin nangabog ang collab first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments