‘Usapang Bilyonaryo’ sa CNN arangkada na

Mapapanood na ang unang episode ng “Usapang Bilyonaryo” . Magsisilbing host ang veteran journalist na si Ces Drilon sa CNN Philippines ngayong January 16, 2023.

Sasalang sa rare one-on-one interview ni Drilon si Frederick Go, Robinsons Land Corporation president and CEO.

Patuloy nga ang pagpapalawak ng MCD Universe sa bago nitong business at lifestyle show na nakatuon sa mga bilyonaryo

Ibabahagi ng mga personalidad na ito ang kanilang mga sikreto sa tagumpay at kanilang mga plano para sa hinaharap.

Nitong December 15, 2022 pumirma sina Prage Management Corporation top bosses Rey Marfil at Gil Cabacungan Jr. ng blocktime deal kasama ang CNN Philippines franchise holder Nine Media Corp. para sa pag-ere ng “Usapang Bilyonaryo”. (Issa Santiago)

The post ‘Usapang Bilyonaryo’ sa CNN arangkada na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments