Dawn kinuyog sa Switzerland ni PBBM

Trending ngayon sa Twitter ang pangalan ni Dawn Zulueta.

Kasama kasi siya sa dumalo sa recent trip ni Pangulong Bongbong Marcos sa Switzerland at ang mister nitong si Anton Lagdameo na special assistant ng president.

Dahil dito, kinuyog siya ng ibang netizen sa paratang na diumanoý ‘nilulustay’ nito ang pera ng bayan.

May mga nagtanggol naman sa aktres at nagsabing personal money nito ang ginastos sa kanyang foreign trip.

Pagtatanggol pa ng iba, lubayan daw ng intriga ang aktres dahil sa estado nito ay afford na afford nitong gumastos sa kanyang trip kasama ang mister.

May mga nagmamaldita rin na nagtatanong kung ano raw ang maitutulong ng presensiya ng misis ni Mr. Lagdameo para sa official trip na iyon na may humigit-kumulang na 70 delegates.

Ito ang ilang komento ng netizens.

“Move on na kay Celeste Cortesi. Balik tayo sa Switzerland ni BBM na may 70 delegates. Wow. Field trip?”

“Wala bang magtatanong bat bitbit buong barrio papuntang Davos? Anong role ni Dawn Zulueta? nd Who’s paying?”

“Ano po ang maitutulong ni dawn zulueta sa mahinang usAd ng ekonomiya natin….”

“Not kakampinks dragging Dawn Zulueta dahil kasama sa Switzerland. Gurlll baka sampalin kayo ng pera ni Mrs. Lagmadeo na btw wife ng special assistant to the President? Unless you have proof na pera ng gobyerno ang ginamit, manahimik kayo at baka gusto nyo magaya kay Enchong Dee.”

“The opposition is attacking the friends of President Marcos Jr., even Dawn Zulueta who is a respected actress is being attacked on social media by these idiots. Well, Dawn Zulueta went to Switzerland and they used their own money not from the gov’t. Stop Harrassing Dawn Zulueta!”

The post Dawn kinuyog sa Switzerland ni PBBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments