Tattoo artist, walang saplot na ginapos, tinapon

Nailigtas ng mga awtoridad ang isang tattoo artist na iginapos ng hubot-hubad at saka itinapon sa Padre Garcia, Batangas.

Alas-4:30 ng umaga nang madiskubre ng mga barangay opisyal ang walang malay at walang saplot na biktima na nakagapos ang dalawang kamay at nakabulagta sa gilid ng highway sa Barangay Cawongan.

Sa imbestigasyon ng Padre Garcia police, nakilala ito na si Jose Ocariza Marco III, 25, taga-Brgy Dita, Sta. Rosa, Laguna.

Nakitaan ito ng mga sugat sa katawan mula sa hindi pa matukoy na armas. Agad itong isinugod sa ospital at nasa ligtas ng kalagayan.

Ayon kay PMAJ El Cid Asehan Villanueva, hepe ng Padre Garcia police, bantay-sarado ito ngayon ng mga pulis at hinihintay pa nilang makapagsalita para malinawan ang nangyari at kung paano ito napunta sa nasabing lugar.

Sa background investigation, napag-alaman na wala namang ibang kinasasangkutang kaso o anumang masamang record ang biktima. (Ronilo Dagos)

The post Tattoo artist, walang saplot na ginapos, tinapon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments