Nais ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia na dapat kasuhan at managot sa batas ang mga nasa likod ng pagpapatakbo ng mga nuisance candidate dahil sa intensyong lituhin ang mga botante.
Inilahad ito ni Garcia sa panayam ng mga batikang journalist na sina Michael Fajatin at Ina Andolong sa online program na ‘Politiskoop’ at dito ipinaliwanag niya ang mga posibleng mangyari kung hahayaan ng Comelec ang mga nuisance candidate.
“Sabi ko sa mga kasamahan ko sa Comelec, hindi pwedeng ‘yung mga nuisance candidate tapos na eleksyon na nu-nuisance pa. Kasi halimbawa may isang Michael Fajatin na talagang tunay na tumatakbo…pagkatapos may isang tumatakbong nuisance ang kanyang pangalan Mic Fajatin kahit hindi naman talaga Mic. ‘Pag hindi namin tinanggal ang pangalan nung Mic Fajatin na ‘yan na bigla na lang sumulpot para tumakbo, malalagay ang pangalan niya sa balota…Maniwala kayo, 40-45% ng mga botante natin malilito,” sabi ni Garcia.
Dapat aniyang maresolba ang nuisance cases bago pa maimprenta ang mga balota. (Gel Fiedalan)
The post Kandidatong panggulo lang, target ipakulong ng Comelec first appeared on Abante Tonite.
0 Comments