Kinumpleto ni Joel Embiid ang triple-double na 16 points, 13 rebounds, 10 assists at itinakbo ng Philadelphia ang wire-to-wire 115-96 win kontra dinayong Oklahoma City sa 77th National Basketball Association 2022-23 regular season game Sabado ng gabi sa Paycom Center.
Wala si James Harden (right foot injury management), pinag-start ng 76ers sa point guard si Shake Milton at nagsumite ng 18 points, 5 assists.
Pasok ang unang pitong bitaw ni Tobias Harris, umiskor ng 16 points sa loob ng 16 minutes nang lumamang ang Philadelphia (21-14) 69-43 sa first half. Tumapos si Harris ng 23 points, may 17 markers pa si DeAnthony Melton.
Ang 20 points, 9 rebounds ni Josh Giddey lang ang pumalag sa Thunder (15-21). Si Shai Gilgeous-Alexander, 14 points lang ang kinaya mula 4 of 15 shooting.
Hindi rin naglaro sa Sixers sina PJ Tucker (left knee issue) at Tyrese Maxey. Ipinahiinga si Maxey sa pangalawang gabi ng back-to-back games matapos bumalik mula fractured right foot. (Vladi Eduarte)
The post Joel Embiid nagswak ng tripol-dobol vs Oklahoma first appeared on Abante Tonite.
0 Comments