Ponggay Gaston ober da bakod sa Chery Tiggo Crossovers

Ibang playing jersey na ang isusuot ni Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston kapag nagbukas ang 6th Premier Volleyball League 2023 sa Pebrero.

Inanunsyo ng Chery Tiggo management sa Bagong Taon ang pagkakabingwit sa 25-anyos at 5’10” ang taas na outside hitter na mahigit dalawang taong naglaro sa Choco Muco.

“Welcome to the team, Pauline ‘Ponggay’ Gaston! What a way to start the year off. We look forward to a thrilling journey ahead with you!” Facebook post Linggo ng Crossovers.

Matagal nakasama ni Gaston sa Flying Titans ang kanyang mga collegiate teammate sa Ateneo Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines. Dalawang beses nag-fourth place ang Titans sa PVL nu’ng 2021 at 2022 Open Conference.

Pero nalugmok ang koponan sa magkasunod na seventh place finish sa Invitational at sa Reinforced Conference.

Magiging malaking tulong sa Crossovers si Gaston sa paglisan ni Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat makaraang mapaso ang kontrata nitong December. (Gerard Arce)

The post Ponggay Gaston ober da bakod sa Chery Tiggo Crossovers first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments