Jonathan Simmons aariba sa NLEX Road Warriors

Si dating National Basketball Association player Jonathon Simmons ang tinapik ng NLEX bilang import sa season-ending 47th Philippine Basketball Association 2023 Governors Cup.

Nakalistang 6-foot-6, major league undrafted noong 2012 si Simmons pero nakapaglaro sa San Antonio Spurs, Orlando Magic at Philadelphia 76ers sa loob ng apat na taon noong 2015-19.

Huling dumayo ang 33-year-old sa Shanxi Loongs sa Chinese Basketball Association para sa Liaoning Flying Leopards (2020-21) at Shanxi Loongs (2021-22).

Noong nakaraang season, nakarating hanggang semifinals ang Road Warriors bago sinipa ng eventual champion Barangay Ginebra San Miguel 3-1.

Si KJ McDaniels ang unang import ng NLEX (North Luzon Expressway) noon, pero bago ang playoffs ay umuwi ng US dahil manganganak ang partner.

Pinalitan siya ni Cameron Clark.

Si coach Joseller ‘Yeng’ Guiao pa ang nagmamando sa Road Warriors noon bago bumalik sa Rain or Shine.

Ngayon ay si Frankie Lim na ang head tactician ng NLEX.

Pansamantalang itinakda ang pagbbukas ng Govs Cup sa Jan. 22.

Si Eric McGee naman ang ipaparada ng Magnolia Chicken Timplados. (Vladi Eduarte)

The post Jonathan Simmons aariba sa NLEX Road Warriors first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments