Rapist timbog sa nilasing na bebot

Binitbit sa himpilan ng pulisya ang isang lalaki matapos gahasain ang nilasing na babae sa Barangay Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya, Huwebes ng madaling araw.

Ang 23-anyos na binatang suspek ay hindi muna pinangalanan.

Sa ulat ng Bayombong Police Station (BPS), naganap ang insidente alas-4:05 ng madaling araw nang dalhin ng binata ang biktima sa kanyang kuwarto kung saan ginahasa niya ang babae.

Kuwento ng biktima, sa kanyang natatandaan, pinainom siya ng suspek hanggang sa siya’y malasing.

Nakatulog siya sa kalasingan at naisagawa ang pang-aabuso. Nagising na lamang umano siyang nananakit ang kaselanan.

Sinabi ng pulisya na nasaksihan umano ng pinsan ng suspek ang panggagahasa sa biktima.

Agad na nagsumbong sa BPS ang kaanak ng biktima at inaresto ang suspek. (Allan Bergonia)

The post Rapist timbog sa nilasing na bebot first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments