Looking forward si Lorna Tolentino na masasama siya sa bagong teleserye ni Coco Martin na ‘Batang Quiapo.’
Forever grateful ang beteranang aktres nang isama siya ng actor-director na si Coco sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’
Aniya, “‘Yung sa akin na role sa ‘Probinsyano,’ 10 days lang ‘yun, tapos naging 3 years and 5 months.”
Nang tanungim siya kung tinawagan na ba siya ni Coco sa bago nitong project.
“Wala pa.Hindi pa. Depende kasi iyan kung mayroong role na maiisip.eh.”
Esplika pa niya, “Alam mo, sa tingin ko, parang lahat yata nang nakasama niya sa Probinsyano, unti-unti niyang ipapasok diyan sa Batang Quiapo. Tingin ko lang. ‘Yun kasi ‘yung pagkakakilala ko kay Coco.
“Kasi matagal na kaming nagsama from Dahil May Isang Ikaw to Ang Probinsyano. Ang tingin ko, sa ginagawa niya ngayon na Batang Quiapo, na mayroon ding ‘Probinsyano’ na part doon (na pinakilala na), so parang iisa-isahin niya rin iyan. Papasok ulit ang Probinsyano cast.
“Siyempre, go go go ako kung tatawagan ako ni Coco. Lalo na kung alam mong magtatagal. Ang saya kaya.”
Tatanggapin.pa ba niya kung another kontrabida ang offer?
“Kahit ano. Basta mayroong work. Kahit lola niya (ni Coco), pwede,” natatawang pakli ni.LT.
Hinggil naman sa movie nila ni Bela Padilla na If, hanga raw siya sa.husay ng kanyang direktor.
Sa Korea kinunan ang kanilang pelikula.
“Nagugulat talaga ako sa mga kabataan ngayon. Ang gagaling nila. Mahusay si Bela.
“Kahit ‘yung look namin sa pelikula, pati ‘yun tsinek niya, alam niya ang gusto niya. Siya ang sumulat, alam niya kung paano ididirek.”
Kuwento pa ng aktres, “Nag-one week shoot ako mismo sa Korea. Sa Korea pala, ‘yung government mismo ang nagbibigay ng kontrata sa mga producer. Kaya nag-shoot kami sa isang big building na ginawa ng government ng Korea na para talaga sa mga nagpro-produce ng pelikula.
“Nakakainggit na inaalagaan ng gobyerno nila ‘yung industriya ng entertainment.”
Ang role daw niya saIf ay mother ng aktres-direktor na isang OFW.
“Mother ako ni Bela. Isa akong OFW, na ako ang nagtuturo sa Korean na kababata ni Bela sa pelikula. Siya ang nagdirek, nagsulat ng script, at nag-produce.”
Aba, hindi lang pala isang beses silang magsasama sa movie ni Bela.
May gagawin pa rin daw sila na another movie na sa Switzerland naman isu-shoot.
“Sabi ko, kahit isang sequence lang, go ako. Siyempre, Switzerland ‘yun.”
The post Lorna game lola ni Coco first appeared on Abante Tonite.
0 Comments