Biotech company CEO, bagong special envoy sa China

Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Special Envoy sa China si Benito Techico na kakatawan sa Trade, Investments and Tourism.

Si Techico ay Chief Executive Officer ng Philippine Blue Cross Biotech Corporation, isang biotechnology company na nakabase sa Pasig City.

Opisyal na nanumpa sa Pangulo si Techico nitong Martes, February 21,2023 sa Malacanang.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, magiging tungkulin ni Techico ang pagpapalawak ng ugnayan ng Pilipinas sa China sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan at turismo. (Aileen Taliping)

The post Biotech company CEO, bagong special envoy sa China first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments