Faith petmalu ang dibdib

Isa si Faith da Silva sa mga seksing pambato ng GMA 7. Nakukumpara rin ang kanyang aura sa isang Miss Universe winner!

Kuhang-kuha kasi ni Faith ang byuti ni Pia Wurtzbach. Maraming nagsasabi na kamukha niya raw ang beauty queen, mula sa kanyang face hanggang sa hubog ng katawan. Parehong permalu rin ang dibdib nila.

Sey nga ni Faith, sobrang natutuwa siya kapag inihahambing kay Pia. Sobrang ganda naman ni Pia para sahihing kamukha niya.

Tulad ni Pia, naranasan niya agad ang ma-target ng mga ‘Marites’.

Ito’y dahil na-issue si Faith na in a relationship daw sa veteran actor na si Albert Martinez, na wala namang pag-amin na naganap.

Nagkasama sina Albert at Faith sa GMA series na ‘Las Hermanas’ kung saan nagsimula ang issue.

Si Faith din ay nakilala bilang anak ng dating aktor na si Dennis da Silva.

Nang matanong noon si Faith tungkol sa kanyang father, sinabi niya na hindi pa siya ready na makita ito kaya hindi niya ito madalaw sa kulungan.

Tila hindi raw kasi nabuo ang bond nila sa isa’t isa dahil hindi niya ito kasamang lumaki.

Gayunpaman, nagpapasalamat siya kay Dennis dahil alam niyang dala pa rin niya ang pangalan nito at mananatili pa rin siyang anak ng dating aktor.

The post Faith petmalu ang dibdib first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments