Kim, Bela ninang sa binyag ng baby ni Angelica

Bininyagan na ang baby nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na si Amila Sabine o si Baby Bean.

Sa Instagram, nag-post ang ilang ninong at ninang ng video at litrato ng naganap na binyagan.

Kabilang sa ninong si John Prats habang ninang si Kim Chiu.

“Yahoo!!! May inaanak na ako sayo Pets @iamangelicap. Pasensya na at hindi ka muna importante ngayon. Si bean talaga ang nag pa excite sakin,” saad ni John sa caption.

“Ninang duties,” sey naman ni Kim sa video kasama si Bela Padilla. (Issa Santiago)

The post Kim, Bela ninang sa binyag ng baby ni Angelica first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments