McCoy umamin sa balikan kay Elisse

Inamin ni McCoy de Leon na nagkaayos na sila ni Elisse Joson.

Sinabi ito ng aktor ilang linggo matapos niyang kumpirmahin ang paghihiwalay nila.

“Yes,” ang sagot ni McCoy nang tanungin ni TV5 reporter MJ Marfori kung naayos na ba nila ni Elisse ang gusot para sa anak nilang si Felize.

“Siguro naman, sa pagiging tatay na parang ‘yun naman ‘yung laging hinahangad na mapasaya ang pamilya,” dagdag niya.

Pinili naman ni McCoy na huwag nang sabihin ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

“Siguro hindi ko na ma-specific, basta iyon na ‘yung mabibigay ko muna. Kumbaga, masaya kami kung ano ‘yung estado namin ngayon,” aniya pa.

Kamakailan ay pinagbubura lahat ni McCoy ang mga litrato sa Instagram page niya at itinira lamang ang family photo post niya noong July 2022. (IS)

The post McCoy umamin sa balikan kay Elisse first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments