Misis aprub gamitin apelyido sa pagkadalaga – Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Revision of Laws ang panukala na payagan ang mga babae na gamitin ang kanilang pangalan sa pagkadalaga kahit na sila ay nag-asawa na.

Inendorso ng komite sa plenaryo ng Kamara ang pag-apruba sa House Bill 4605 na mag-aamyenda sa Civil Code of the Philippine (Republic Act 386).

Sa kasalukuyan, ang mga kasal na babae ay maaaring gamitin ang kanyang maiden first name at surname na daragdagan ng apelyido ng kanyang mister; ang kanyang unang pangalan at ang apel­yido ng kanyang mister; o ang buong pangalan ng kanyang mister at lalagyan lamang ng prefix sa unahan gaya ng “Mrs.”

Sa ilalim ng panukala, maglalagay ng isa pang opsyon at ito ay ang pagpapanatili ng maiden first name at surname. (Billy Begas)

The post Misis aprub gamitin apelyido sa pagkadalaga – Kamara first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments