Rose na-trauma sa manyakol

Ikatlong beses nang pagsasama sa isang proyekto nina Rose Van Ginkel at Wilbert Ross ang four-part Vivamax mini series na “Stalkers” na idinirehe ni Easy Ferrer.

Ani Rose, ipinagdasal daw talaga niya na si Wilbert ang maging katambal niya sa nasabing serye.

Bukod daw kasi sa komportable na siya kay Wilbert, alam niyang aalagaan siya ng aktor sa mga sensitibong eksena nila sa pelikula.

Sa tunay na buhay, may hindi rin daw siya malilimutang karanasan sa isang lalakeng manyakol na ini-stalk siya.
High school daw siya noon at sinundan siya nito sa paaralan at maging sa mall shows.

Dahil sa kanyang karanasan, na-trauma raw siya noong maglalabas ng bahay . Natakot siyang baka may gawing masama ito sa kanya.

Bukod sa “Stalkers”, kasama rin siya sa cast ng kontrobersyal na pelikulang “Martyr or Murderer” bilang kaibigan ng karakter ni Imee Marcos at sa K drama na “The Bet” .Ipino-portray niya ang papel ng girlfriend ng isa sa mga Koreanong bida.

Palabas na sa Vivamax simula sa Pebrero 26, tampok din sa four part mini series sina Mark Anthony Fernandez, Yayo Aguila, Gwen Garci, Keanna Reeves, Nico Locco, Millen Gal, Chloe Jenna, Rash Flores at Shiena Yu. (Archie Liao)

The post Rose na-trauma sa manyakol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments