Ulo pinagkasya sa rehas, airport preso nakatakas

Nagpasaklolo na sa Philippine National Police (PNP) ang Manila International Airport Authority (MIA) kaugnay sa pagtakas ng isang bilanggo sa loob ng detention cell ng Airport Police Headquarters.

Ipinag-utos ni MIAA General Manager Cesar Chiong ang masusing imbestigasyon sa pagpuga ng inmate na si Ramie Dela Cruz, 34, residente ng Taguig City.

Ayon sa report, Enero 28 sa pagitan ng alas-5:00 at alas-6:00 ng hapon nang tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagsuot ng ulo nito sa pagitan ng mga rehas na bakal sa itaas na bahagi ng maliit na kulungan at saka tumalon mula sa mataas na pader sa likod ng APD headquarters.

Dahil dito, bunsod ng kapabayaan, dalawang guwardiya at isang Airport Police na bantay ng kulungan ang sasampahan ng kaso.

Sinamantala umano ng preso ang pagtakas habang abala sa pagpapalit ng duty ang dalawang sekyu.

Bagama’t may CCTV sa loob, sira naman ito.

Matatandaan na naaresto ng dalawang beses ang suspek sa NAIA terminal 3 dahil sa pagnanakaw ng mga kawad ng kuryente at panloloob sa mga saradong tindahan sa paliparan. (Betchai Julian)

The post Ulo pinagkasya sa rehas, airport preso nakatakas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments