Chris Newsome, Bolts inihaw Magnolia Chicken Timplados

Semis Game 1 sa Bioyernes (Ynares Center, Antipolo)
3 pm – SMB vs Ginebra
5:45 pm – Meralco vs TNT

Nangailangan ng overtime ang Meralco bago naipagpag ang Magnolia 113-107 sa kanilang PBA Governors Cup quarterfinals match sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Hindi inaksaya ang twice-to-beat bonus, biyaheng semis ang No. 4 Bolts kontra No. 1 TNT umpisa bukas sa Ynares Center Antipolo.

Binura ng Meralco ang seven-point deficit may 3 minutes pa sa regulation bago ibinuhol sa 96 ng jumper ni Aaron Black sa buzzer para makapuwersa ng OT.

Sa extra time, binasag ng back-to-back 3s nina Bong Quinto at KJ McDaniels ang huling deadlock para umagwat 109-106 sa final minute at hindi na bumitaw.

Tumapos ng career-high 33 points si Chris Newsome para banderahan ang Bolts. May 27 points, 10 rebounds si McDaniels at 16 markers kay Black.

Hindi napahaba ng 22 points ni Paul Lee at 21 points, 19 rebounds ni Antonio Hester ang season ng Hotshots.

Sa isang bigwasan lang din dinaan ng Tropang Giga ang No. 8 Phoenix 132-105 sa first game.

Nag-deliver ng triple-double na 18 points, 12 rebounds, 10 assists at may 4 steals pa si Rondae Hollis-Jefferson sa Tropa. May 25-11-7 at 4 steals din si RR Pogoy at 20 markers off the bench kay Jayson Castro.

Nasa final four lahat ang top four, isa pang pairing ng best-of-five series ay ang showdown ng No. 2 San Miguel at No. 3 Ginebra. (Vladi Eduarte)

The post Chris Newsome, Bolts inihaw Magnolia Chicken Timplados first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments