El Niño paghandaan, magtipid sa tubig – Pagasa

Nagpalabas ng El Niño Watch ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dahil sa inaasahang pagkakaroon ng below normal na ulan na magdudulot ng tagtuyot.

Ayon sa Pagasa, inaasahang magsisimula ang El Niño sa bansa sa pagitan ng hanggang Setyembre at magtatagal hanggang sa 2024.

Ngayon pa lamang ay inabisuhan na ng ahensya ang publiko na magtipid ng tubig upang hindi makaranas ng kakulangan ng supply.

Sinabi ni Ana Liza Solis, hepe ng Pagasa-Climate Monitoring and Prediction Section, na ngayon pa lamang ay ibinabala na ang El Niño Watch upang magkaroon ng maagang preparasyon ang gobyerno at ang publiko.

Samantala, pagdating sa mga dam, sinabi ni Hydrometeorology Division chief Roy Badilla na sa kanilang monitoring ay magkakaroon pa rin ng rainfall forecast sa mga watershed at dam hanggang sa Setyembre.

Aniya, kung ganito ang mangyayari walang problema sa supply subalit kung mag-iba ay posibleng magkaroon ng kakapusan ng ng tubig pagdating ng 2024.

“Let us wait siguro for the update of our forecast then we can update the projections. Ang tinitingnan natin na magkakaroon tayo ng challenges sa water supply is next year,” paliwanag ni Badilla.

Ipinaliwanag naman ni Solis na bukod sa nababawasan ang ulan kapag umiiral ang El Niño ay malaki rin ang epekto nito sa impact o lakas ng mga bagyo. (Tina Mendoza)

The post El Niño paghandaan, magtipid sa tubig – Pagasa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments