18 estudyante nasagip sa isla

Naaksidente ang 18 college students mula sa isang unibersidad sa Cebu City matapos magkaroon ng aberya ang sinasakyan nilang motorbanca na ginamit nila sa kanilang island-hopping adventure sa paligid ng Mactan Island noong Easter Sunday.

Nasagip ng Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction and Management Office bandang 9:40 ng gabi noong Linggo, ang 18 pasahero at tripulante ng motorbanca matapos na magkaroon ng engine malfunction habang naglalayag sa palibot ng Isla Pangan-an.

Ayon kay Nagiel Bañacia, Lapu-Lapu DRRMO head. Nitong Lunes, ligtas na nakauwi sa kani-kanilang tahanan ang lahat ng nasagip na pasahero at tripulante, at wala ni isa man sa kanila ang nasaktan.

Aniya, nasira ang motorbanca nang subukan nitong tumulak palayo sa Tres Marias islets, sa loob ng Isla Pangan-an, noong low-tide.

Nagpadala ang mga lokal na awtoridad ng rescue ng sea ambulance para iligtas ang mga stranded na pasahero at tripulante, at ihatid sila sa mga daungan ng Sta. Rosa at Hilton.

Ang island hopping ay isang sikat na aktibidad sa turismo sa Mactan Island. (Dolly Cabreza)

The post 18 estudyante nasagip sa isla first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments