Labis ang pasasalamat ni Sen. Bong Revilla na tagumpay ang kanyang operasyon last week kung saan ay tinanggal ang kanyang gallbladder.

Humarap sa entertainment press ang aktor/politiko kahapon para sa isang thanksgiving lunch. Dito ay naikwento niya ang pinagdaanan sa kalusugan na nagsimula nang makaramdam siya ng sobrang sakit ng tiyan noong March 27 ng madaling-araw.

“Sobrang sakit. Actually, nasa bahay ako, natutulog ako, hindi ako makatulog, papihit-pihit ako. Ginigising ko siya (wife Lani Mercado), akala niya, nagbibiro ako, palabiro kasi ako, eh,” kuwento ng aktor-politiko.

Maya-maya ay hindi na raw niya kinaya ang sakit ng tiyan at nagdesisyon na silang pumunta ng ospital, bandang 5:00 am. Parang pinipiga raw ang tiyan niya sa sobrang sakit.

Ang findings ng doktor ay namamaga ang kanyang gallbladder at kailangang tanggalin agad dahil kung hindi ay baka maapektuhan pa ang kanyang liver.

Kahit wala na siyang gallbladder ay nagpapasalamat pa rin si Sen. Bong na heto’t buhay na buhay pa rin siya. In fact, ready na nga siya to work again after the Holy Week.

Wala naman daw ipinagbawal sa kanya ang doktor at in-advise lang siya to rest for 3 weeks and no strenuous exercise.

“No sex,” hirit ng kanyang manager na si Lolit Solis.

Sey naman ni Sen. Bong, “hindi naman sinabi ng doktor ‘yun.” Tawanan.

Sambit naman ni Cong Lani, “only with your wife.” Natawa nang bonggang bongga si Sen. Bong.

Dagdag pa nya, “others, no. Only me. Forever.” Tawanan.

Sa ngayon ay naghahanda na ang aktor/politiko para sa kanyang bagong TV project sa GMA-7, ang remake ng “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis” na pelikula nila noon ni Lani.

Secret pa raw kung sino ang magiging leading lady niya at hulaan na lang daw muna habang hindi pa ina-announce ng GMA-7. Pero magsisimula na raw sila ng taping this end of April or first week of May dahil June na raw ang airing nito.

Samantala, inupakan ni Sen. Bong ang Bureau of Immigration (BI) matapos nitong maglabas ng statement ukol sa nag-viral na offloading incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) .Naiwan kasi ng eroplano ang isang Pinoy na papuntang Israel dahil nga sa kanyang naging karanasan sa kamay ng isang Immigration Officer (IO).

Ito ‘yung nag-viral na video na ayon sa kuwento ng pasahero ay hinihingi pa ng mga IO ang kanyang year book.

“Kawawa naman ‘yung ating mga OFW. That is so unfair. Tapos, pinag-iipunan nila ‘yung pamasahe nila, tapos pagdating doon (sa airport), iba-block mo. That’s power-tripping,” saad ni Sen. Bong.

“Siguro naman ay medyo magisising na sila, na-call natin ‘yung attention nila. ‘Wag na nilang antaying ipatawag namin sila mismo sa Senado. Warning ‘yun,” dagdag niya.

The post Bong ‘di binawalan ng doktor sa sex first appeared on Abante Tonite.