Mula nung nakalipas na ilang araw, walang tigil ang byahe ng karamihan sa ating mga kababayan. Mapa eroplano, barko, bus o kotse, kaliwa’t kanan ang lakbay. Dahil ito sa lumuwag na ang iba’t ibang lugar para sa mga bisita at turista. At dahil na din sa napigil nung nakaraang pandemya dahil sa covid19, wala nang makakapigil makapag bakasyon, lalo ngayong semana santa na mahaba haba ang panahong walang pasok.
Kaya naman ang ating pamahalaan ay naghanda para sa seguridad ng lahat na maglalakbay. Nagtayo ng mga coordination units at mga first aid stations sa mga paliparan, pier, at lansangan na dadaanan para sa lahat. Ngunit maliban sa ating seguridad at mga tulong na hinanda, kailangan din nating alalahanin ang ating kalusugan. Kasayahan at pahinga ang ninanais natin, ayaw nating mauwi sa sakit at aksidente kung pababayaan natin ang ating katawan.
May mga ilang paalala tayo sa mga magbabayahe. 1. Kumunsulta sa inyong doktor para malaman kung kaya ng katawan bumyahe. Kasama na din, dahil malalaman ang kundisyon ng katawan, makukuhang magbaon ng mag gamot, bitamina at kung anuano pa para maayos ang kalagayan habang nasa bakasyon. Siguruhing mayroong first aid kit. 2. Ihanda ang sarili sa maraming lakarin. Karamihan ng mga pupuntahan ay siguradong malalayo ang lakad , magumpisang magehersisyo para di mabigla ang katawan. 3. Baka mas madaming gawain sa bakasyon kaysa pahinga, kaya matulog ng maigi bago mag pahinga. 4. Kumain ng mabuti. Hindi lang bago magbakasyon, habang nasa bakasyon. Huwag tipirin ang pagkain. Siguruhing healthy ang pagkain at umiwas sa masyadong matamis. 5. Uminom ng tubig. Kung malayo at maghapon ang byahe, magbaon ng tubig. 6. Iwasan ang alak at pagsigarilyo. 7. Depende sa kung ano ang sasakyan, siguruhing safe. Ipatingin ang kotse para hindi magkaproblema sa daan. Kung magmamaneho, magpahinga para hindi antukin. Kung pasahero, at sakaling mahihiluhin, may mag gamot para dito. 8. Presence of mind para hindi mataranta, magmadali nang maiwasan ang aksidente o sakit ng katawan dahil napwersa sa pagkilos, pagbuhat ng bagahe, o paghanap ng mga kakailanganin, pati na ang mga papeles, passport o tiket.
Sa lahat ng iintindihin, sa mga kasama, sa mga pupuntahan, mga kaakibat sa byahe, transportasyon, titirhan, at madami pang iba. Sa lahat ng ito, siguruhing mag enjoy. Lubuslubusin ang panahong kasama ang mga kamaganak, kaibigan, at mga mahal sa buhay.
Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.
The post Oplan biyaheng ayos first appeared on Abante Tonite.
0 Comments