Estudyante niluray ni sir sa classroom

Swak sa piitan ang isang guro nang pagsamantalahan ang kanyang menor de edad na estudyante sa loob mismo ng paaralan sa Scout Fuentabella Extension, Kamuning, Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni PLt. Col. Robert Amoranto, Station Commander ng Kamuning Police Station (PS 10) ang 25-anyos suspek na si Frank, guro, residente ng Balut, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, unang pinagsamantalahan ng guro ang 13-anyos niyang estudyante noong Abril 27, bandang alas-12:45 ng tanghali.

Habang nasa loob ng kanilang silid-aralan ang biktima, na siyang class president ay pumasok si Frank at inutusan ang estudyante na pumunta sa kanyang classroom dahil bibigyan umano ito ng ilang gawain.

Sumunod naman ang biktima ngunit sa loob ng silid ay nagulat na lamang ang estudyante nang maghubad sa harapan niya ang guro, hinawakan siya ng mahigpit, pinagbantaan saka ginahasa.

Nang makaraos ang guro ay lumabas at tumakbong palayo ang biktima habang umiiyak at sinarili na lang ang panghahalay sa kanya.

Pero nitong Biyernes (Abril 28), bandang 12:30 ng tanghali, nang makita ng suspek ang biktima sa hallway ay bigla itong hinablot, kinaladkad sa music room at muling tinangkang halayin.

Sa pagkakataong ito’y nakatakas ang biktima at nagsumbong na sa ina na agad namang nag-report sa mga awtoridad kaya dinakip ang guro. (Dolly Cabreza)

The post Estudyante niluray ni sir sa classroom first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments