Mukha pinulbos ng bala sa kakamarites

Binawian ng buhay ang isang babae matapos barilin sa mukha ng isang suspek habang nakikipagmarites o kuwentuhan sa kanyang kaibigan kahapon ng umaga sa kanto ng Osorio at Velasquez Sts., Tondo, Maynila.

Kinilala ni PSSG Zoilo Nazario, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Florence, 33, taga-Tondo, Maynila na nasawi dahil sa tama ng bala sa mukha

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-7:10 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Ayon sa isang Baby Jane, 42, kalugar ng biktima, nagkuwentuhan sila ni Florence nang lumapit ang suspek na naka-green long sleeves, gray jogging pants at itim na tsinelas at binaril ang biktima sa mukha.

Isinugod naman ng kanyang mister sa Tondo Medical Center ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo sa krimen at pagkakilanlan ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mukha pinulbos ng bala sa kakamarites first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments