118 salot sa Rizal, 20 sa QC nalambat

Umaabot sa 118 katao ang naaresto ng Rizal Police Provincial Office sa ikinasang 7-Day Simultaneous Anti Criminality Campaign Operations (SACLEO) mula noong May 15 hanggang 21.

Ayon kay Rizal PPO Provincial Director, PColonel Dominic Baccay, nasa 62 wanted suspek ang nalambat sa bisa ng warrant of arrest, kabilang ang 11 na nahuling Most Wanted Persons at nasa 51 ang nadagit na kabilang sa wanted persons.

Sa kampanya naman kaugnay sa Illegal Drugs, nakapagtala ang Rizal ng 25 operations kung saan 37 katao ang nakuhanan ng aabot shabu at marijuana.

Sa anim na Illegal Gambling operations, may 18 sugarol ang nalambat, isa ang nahuli sa loose firearms at isa rin ang nakumpiskahan ng armas.

Nasa 20 katao naman ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa magdamagang operasyon sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III, kabilang sa mga naaresto ay 13 drug suspects at pitong illegal gamblers.
Isinagawa aniya ang mga operasyon simula kamakalawa ng hapon hanggang kahapon ng umaga. (Vick Aquino/Dolly Cabreza)

The post 118 salot sa Rizal, 20 sa QC nalambat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments