Bagets pisak sa tanker truck

PISAK ang isang 14-anyos na estudyanteng lalaki matapos magulungan ng tanker truck habang nagbibisikleta sa national highway ng Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ng Bambang Police Station (BPS) ang biktima na si Cedrin Ambito, ng Inrangan, Dupax del Norte, ng nasabing lalawigan.

Sa report ng BPS, nangyari ang insidente alas-7:02 ng umaga sa Barangay Santo Domingo Proper, Bambang.

Ayon sa pulisya, habang tinatahak umano ng truck driver na si Nomer Aba, 45, ang kalsada ay binusinahan nito ang biktima sa kanyang harapan.

Sa lakas ng busina, nataranta ang binatilyo at nawalan ng balanse.

Dito, pumailalim si Ambito at nagulungan ang kanyang ulo at katawan na agad nitong ikinamatay.

Sumuko naman si Aba at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at nakakulong sa BPS jail. (Allan Bergonia)

The post Bagets pisak sa tanker truck first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments