Alden binura ng direktor

Deleted na ang post ni Director Rico Gutierrez sa kanyang Instagram na may litrato si Alden Richards. May background kasi ito na ang nakasulat ay “Battle of the Judges.”

Ang natira na lang sa post ng director ay gagamiting stage ng reality talent show at nakasulat ang “Day 1 Audition.”

Tanong tuloy ng netizen, bakit inalis ang photo ni Alden sa post ni Direk Rico ? Ang natira na lang ay ang logo ng reality-talent show na may caption na “Day 1 Audition.”

Kaya lang, may mga nakapag-screenshot sa deleted post ng director at nire-repost ng fans ng aktor.

Dahil kaya ito sa hindi pa formal na ina-announce na si Alden ang main host ng multi-talent competition na mapapanood sa GMA-7 sa July? Pero, naglabasan na ang balitang ang Asia’s Multimedia star nga ang main host .

Kahit wala pa ring announcement, nabalita na rin na sina Atty. Annette Gozon, Bea Alonzo, Jose Manalo, Boy Abunda ang judges at si Rico nga ang director. Saka, nabanggit na rin ni Alden na magho-host siya ng isang reality talent show at ito na nga ‘yun.

May nakita pala kaming photo ng Zoom meeting ni Alden with an executive of GMA Network, creative people of the network pati ang controversial handler niyang si Sam. Nasa meeting din si Senedy Que .Siya na kaya ang scriptwriter? Ang meeting kaya na ito ay para sa “Battle of the Judges”?

Speaking of Alden, dumalo siya sa ginanap na Celebrity Watch Party para sa “Unbreak my Heart” . Sa kanyang interview, nabanggit na magandang opportunity sa mga artista ng Pilipinas at TV network ang collab ng ABS-CBN at GMA Network.

Kinongratulate ng aktor ang ABS-CBN, GMA at Viu Philippines .Umaasa siyang maging daan ang partnership para matapos na ang network wars and to give quality entertainment to the viewers.

Naalala naming nabanggit at ni-request nina Alden at Julia Montes sa storycon ng movie nilang “Five Break-Ups and A Romance” na sana mabigyan din sila ng chance na gumawa ng teleserye. Pinanawagan nila ang ABS-CBN at GMA Network at malay natin, sa susunod na collab ng dalawang network ay teleserye naman ng JuDen ang kanilang gawin.

See related stories:

Alden nasalo kapalpakan sa MUPH

Alden pinahamak ng ‘kalawang’

Alden diyeta sa hubad -baro

The post Alden binura ng direktor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments