Taiwanese fashion influencer nag-sorry kay IU

Marami ang nagrereklamong mga netizen sa isang Taiwanese fashion influencer. Ito’y dahil  sa ginawa niya umano sa Korean Superstar na si IU.

Sa ginanap na Gucci 2024 Cruise fashion show na ginanap sa  historical Gyeongbokgung Palace in Jongno-gu, Seoul, marami ang nakapansin sa na-upload na video .

Makikita kasi sa short video na habang si IU ay kumakaway sa camera at nasa paligid din niya ang ilang bodyguard, ang fashion influencer ay biglang nag-step-in. Hinawakan sa kanyang wrist si IU. Kahit na mapapansing composed pa rin si IU, hindi maikakaila na nagulat ito.  At base rin sa obserbasyon ng mga netizen, halata raw na nagse-send na ng signal sa kanyang bodyguard si IU na tila nagpapa-saklolo na ito na ilayo siya.

Dahil sa mga pamba-bash na natatanggap, do’n lang daw na-realize ng Taiwanese fashion influencer ang ginawa niya.  Eh, hindi raw ngayon lang nangyari ito sa naturang influencer. Sa isang event din daw ng Louis Vuitton naman sa Taiwan, ang Korean actor na si Jung Hae In naman daw ang umano’y naging biktima.

Dahil sa mga natatanggap na kritisismo, naglabas na ng kanyang public apology si Molly Chiang. At ayon dito, nagpadala na rin daw siya ng apology sa agency ni IU.

With the help of a Korean-speaking friend, I translated the letter of apology to IU and sent it along with the English version to her agency.

Ayon sa naturang influencer, “My actions were not right. Each person has a different personality and culture, so I should have been more careful, but I failed to do so.

“I brought this controversy on myself. I’ve learned that I shouldn’t touch people I don’t know. I will make sure to correct this behavior.”

Sa mga fan at mga nakasubaybay sa Korean entertainment/Idols, alam na hindi talaga basta-basta ang interaction sa kanila, lalo na ang may kasama pang “touch.”  Kung ikalawang beses na naisyu ang Taiwanese fashion influencer with popular Korean star, dapat ay mas aware at alam na niya ang tamang behavior. Lalo na’t sa South Korea pa mismo ginanap ang Gucci event.

The post Taiwanese fashion influencer nag-sorry kay IU first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments