Barbie ‘kinopya’ si Kathryn

Marami na ang excited sa follow up project ni Barbie Forteza pagkatapos ng “Maria Clara at Ibarra”.

Palaisipan sa mga netizen kung paano niya bibigyan ng atake ang role niya na isa na namang period drama na nangyari noong Japanese occupation.

Gayunpaman ang excitement ay nahaluan ng pagkabugnot dahil may feelers silang natanggap na inaakusahan ang kanilang idolo ng panggagaya kay Kathryn Bernardo.

Nakatakda rin kasing gawin ni Kathryn ang proyektong “Elena 1944″. Ito’y tungkol sa kuwento ng comfort women noong panahon ng Hapon na ididirek ni Olive Lamasan.

Dahil parehong kuwento ng empowered women na nangyari noong World War II, naaakusahan ng ilang maka-Kathryn na nanggagaya si Barbie lalo pa’t unang inanunsyo ang proyektong gagawin ng nobya ni Daniel Padilla.

May pa-savage pang pinagkukumpara ang achievements ng dalawa kung saan humihirit ang mga nagmamalditang fans na wala raw sa kalingkingan ni Kath ang latest apple of the eye ng publiko na si Barbie.

Maging ang GMA-7 creative consultant at writer na si Suzette Doctolero ay hindi napigilang mag-react sa Twitter sa mga akusasyon ng mga nagmamahadera na kinopya ang Pulang Araw sa Elena 1944

Tweet niya :”kami pa ang nagggaya? 2013 pa ang concept, day! Saka ako talaga ang gaya gaya sa historical series, ganern?? Pakiayos ang bintang, aga aga, pinaiinit mo ulo ko. Char! 🤣. #patola”

Marami naman ang nagtanggol kina Barbie at Suzette .Sinabing magkaiba ang konsepto ng dalawang pinagsasabong na mga proyekto.

The post Barbie ‘kinopya’ si Kathryn first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments