Tito, Vic, Joey mapanganib ang paglipat

Maraming pasabog na pinakawalan ang dating Senador at ‘Eat Bulaga’ host na si Tito Sotto nang magpa-interview siya kina Nelson Canlas, Cristy Fermin, Korina Sanchez,Julius Babao, at iba pa.

Ito ay kaugnay sa disgusto niya sa naging pahayag ni Bullet Jalosjos kay Boy Abunda nang makapanayam ng King of Talk ang majority stakeholder ng TAPE, Inc. na producer ng nasabing noontime show.

Katunayan, iginiit niya na pagmamay-ari ng comic trio ang nasabing daily noontime show na sila ang nag-conceptualize.

Naibunyag din niyang may offer sa kanila ang ibang network.

Naging kontrobersyal din ang naging pakikipagpulong niya kay Albee Benitez na prodyuser ng dating kakompentesiyang programang Tropang LOL.

Sa basa ng industry observer, kung hindi mareresolba ang tensyon sa pagitan ng TVJ at mga Jalosjos, no choice ang triumvirate kundi lumipat sa alinman sa mga nabanggit na istasyon.

Hindi rin inaasahang makikialam ang GMA-7 dahil sa kanila nakakontrata ang TAPE bilang blocktimer.

Hirit naman ng kibitzers, peligroso raw ang gagawing hakbang na ito ng mga naturang host.

Isang malaking sugal daw ito lalo pa’t ang target nila ay hindi ganoon kalaki ang network na nasasakop nationwide.

Isa rin daw sa problemang hindi naa-address ngayon ng ay signal ng lilipatang istasyon mula Aparri hanggang

Limitado umano ang nakakapanood nito lalo pa’t kung pag-uusapan ay ang sakop ng broadcast nito. (Archie Liao)

The post Tito, Vic, Joey mapanganib ang paglipat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments