Bebot ninenok bag ng kostumer sa resto kalaboso

Kalaboso ang isang babae matapos nakawin ang bag ng isang kostumer sa isang food chain sa Brgy. Fairview, Quezon City nitong Martes.

Kinilala ni Quezon City Police District Fairview Police Station (PS 5) chief, PLTCOL Elizabeth Jasmin ang suspek na si Ashley Rivera, nasa hustong gulang, residente ng Asero St., Brgy., Tugatog, Malabon City.
Sa report, alas-3:15 ng hapon (May 23) nang maganap ang insidente sa Mang Inasal Food Chain sa Commonwealth Avenue, Brgy. Fairview.

Ayon sa biktimang si Carmelita Manalo, kasama ang kanyang pamilya ay nagtungo sila sa nasabing resto

para mananghalian at inilagay niya ang shoulder bag sa kaliwang bahagi ng upuan.
Habang abala ang biktima at pamilya sa pagkain ay pasimpleng tinangay ni Rivera ang bag ng biktima na naglalaman ng Samsung Galaxy A12 na nagkakahalagang P15,000 at wallet na naglalaman ng P1,350.00.
Pero nakita ng biktima si Rivera sa labas ng restaurant na bitbit ang kanyang bag kaya agad siyang nagpasaklolo sa mga sikyo.

Hinabol ang suspek patungo sa Petron Gas station. Tiyempong may mga naka-deploy na mga pulis mula sa PS 5, at inaresto si Rivera. (Dolly Cabreza)

The post Bebot ninenok bag ng kostumer sa resto kalaboso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments