Joenard Rates kinana 2 eagle sa ICTSI Villamor PH Masters

Nagprodyus si Joenard Rates nang pambihirang dalawang eagle sa magkaibang paraan na may tatlo pang birdie mula sa pang-12 butas para sa pasiklab na seven-under 65 at ikasa ang four-stroke lead kontra kina Jhonnel Ababa at Korean Rho Hyun Ho sa sambulat ng ICTSI Villamor Philippine Masters Miyerkoles ng hapon sa Villamor Golf Club sa Pasay.

Sumablay lang siyang tablahan ang course record ni Vic Santia noong 1990s sa mintis na pababang putt mula sa 12 talampakan sa par-5 18th, pero ang makinang na 34-31 na may eagles sa par-5 No. 8 at par-4 15th sa mainit na panahon ang nagpalayo sa kanya para sa misyong unang korona sa 15th Philippine Golf Tour sapul noong 2018.

Bumira rin si Ababa ng eagle sa par-5 No. 2 pero kumabyos ng tatlong birdie sa frontside, pero nakabawi sa tamang oras para makaapat na birdie sa likuran upang ipasok ang 69 at parehasan ang three-under card ni flightmate Ho sa sosyohan nila sa segunda sa P2.5M championship na bersyon ng bansa sa apat na major ng mundo.

Tumirada rin si comebacking Toru Nakajima ng late two backside birdies para sa kartadang 70 at salo sa pang-apat kahanay sina Reymon Jaraula, Nilo Salahog at back-to-back The Country Club Invitational champion Guido Van Der Valk ng Netherlands.

Samantalang sinandalan ni Keanu Jahns, runner-up kay absentee Tony Lascuña sa inaugural Villamor Match Play Invitational noong Nobyembre, ang two-over 38 card sa birdie-eagle feat buhat sa No. 12 para pangunahan ang 71 scorers, kabilang ditto sina pro-am winner Jay Bayron, Marvin Dumandan, Rolando Marabe, Jr. at Gerald Rosales.

Pero para kay Rates ang araw, na may pasabog sa kabila nang kakulangan ng kakulangan ng mga laro sa unang limang yugto ng circuit sa taong ito na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

“I really didn’t expect to score this low. I just tried to relax and hit as many fairways and greens,” suma ni Rates, na bumangon sa anim na palong pagkalubog sa regulation at nilusutan si Janne Kaske ng Finland sa second playoff hole at kopoin ang PGT Asia Summit Crown sa Lipa City limang taon na ang nakakalipas.

(Ramil Cruz)

The post Joenard Rates kinana 2 eagle sa ICTSI Villamor PH Masters first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments