Signal no. 2 pambulaga ng bagyong Betty

Bahagyang humina ang bagyong Mawar at ibinaba sa kategoryang typhoon mula sa pagiging super typhoon, gayunpaman hindi inaalis ang posibilidad na muli itong lumakas at bumalik sa pagiging super typhoon sa pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, maaaring itaas ang Signal No 1 at Signal No 2 sa ilang bahagi ng Northern Luzon sa pagpasok bagyo na tatawaging Betty.

Sa ngayon ang bagyong Mawar ay may lakas ng hangin na 175kph at bugso na 215kph.

Sa forecast track, sinabi ni Pagasa weather specialist Ana Clauren-Jorda na maliit pa rin ang nakikita nilang tiyansa na tatama sa lupa ang bagyo ngunit ang lawak ng outer circulation ang magdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Northern Luzon.

Ang radius ng bagyo ay nasa 320 kilometers at huli itong namataan sa layong 2,170 kilometers east ng Visayas, sa labas ng PAR. (Tina Mendoza)

The post Signal no. 2 pambulaga ng bagyong Betty first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments