Cambodia hitik sa import, Animam dismayado

Hindi itinago ni Jack Animam ang kanyang pagkadismaya dahil sa dami ng naturalized player ng ibang bansa sa 32nd Southeast Asian Games (SEAG) na ginaganap sa Phnom Penh, Cambodia.

Bigong makuha ng Gilas Women 3×3 team ang gintong medalya matapos nilang makalaban sa finals ang mga pambato ng Vietnam.

Ngunit sa semifinals, apat na naturalized player ang kanilang binangga bilang player ng host country Cambodia, kabilang dito sina Mariah Cooks, Brittany Dinkins, Kim Hanlon at Meighan Simmons, na naging manlalaro para sa Atlanta Dream sa WNBA.

Lahad ni Animam, hindi patas na ang halos buong roster ng isang koponan ay puro banyaga.

“It’s unfair, especially sa countries na wala naman ganon kalaking fund. But I think if there’s going to be a lot of imports like this, I don’t think the essence of the SEA Games is gonna be there,” giit ng Gilas star.

Ayon pa sa kanya, nawawalan ng saysay ang SEA Games kung hindi naman talento ng mga homegrown talent ang pinapakita ng bawat bansa.

“For me, SEA Games is to show your talents, kung ano meron kayo sa bansa. But if you’re getting from other countries, I think parang pro league na ‘to,” aniya pa.

Sa kabila nito, naghanda naman daw ang Gilas women’s team para makuha ang ginto, ngunit kinapos lang kontra Vietnam sa iskor na 21-16. (Ray Mark Patriarca)

The post Cambodia hitik sa import, Animam dismayado first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments