Hinimok ni Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V ang Kamara na ikunsidera ang pag-apruba sa House Bill No. 1146 o Healthy Canteen law.
Layunin nitong ipagbawal ang pagbebenta ng junk food at unhealthy drinks sa mga paaralan sa bansa.
Ayon kay Rep. Dy V, pangunahing may-akda ng panukalang batas, ito ay nagbabawal sa pagbebenta o promosyon ng mga junk food at matatamis na inumin sa loob ng paaralan at sa loob ng isang daang metro mula sa perimeter ng mga pampubliko at pribadong elementarya at mataas na paaralan.
Alinsunod sa Department Order No. 13 ng Department of Education noong 2017, nais ng Isabela solon na siguruhing ang mga paaralan ay naglalaan ng masustansyang pagkain at inumin na magbibigay lamang ng positibong epekto sa katawan at kaisipan ng mga estudyante.
Samantala, hinikayat din ng mambabatas na kapulungan na pagtibayin ang House Bill No. 3606 o ang pagsasaayos ng Cauayan District Hospital.
Ito rin ay naglalaan ng medical at dental missions para sa mga nangangailangan.
Sa kabilang dako, iniulat ng Isabela solon at tagapangulo ng Special Committee on Bases Conversion na pasado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 1215 o ang San Miguel Ecotourism Zone Act na kanyang iniakda.
The post Masustansiyang pagkain sa iskul tinulak first appeared on Abante Tonite.
0 Comments